Tip #1: Para sa mga walang piano, portable keyboard, or organ:
Natuto ako ng walang sariling piyano, hindi ko kasi afford ang ganun eh. Sa hirap ng buhay, nais ko pa ring matutong tumumugtog ng piano. Simple lang ginawa ko, bumili ako ng folder tapos iginuhit ko ang mga keys ng piano roon. Example:
Isa-isa kong inaral ang mga piano chords. Sinaulo ang mga finger positions nito. Habang pinu-puwesto ko ko mga daliri ko sa bawat chords sabay ko ring binabanggit ang chord name. Halimbawa, C-E-G, ipu-pwesto ko daliri ko sa ginawa kong piano at babanggitin ang C chords. Sa lahat ng piano chords yan ang ginawa ko. Heto ang sample ng basic piano chords:
Maaari n'yong i-print ang basic piano chord chart para gawing guide.
Tip #2: Familiarize yourself to the Piano Keys
Ang piano keyboard ay may dalawang kulay, itim at puti na keys. Mas madaling masaulo ang mga pangalan ng mga piano keys kung titignan nating mabuti ang isang piano keyboard. Titigang mabuti ang black keys:
Sa two black keys, ang pangalan ng unang white key ay C
Sa three black keys, ang pangalan ng unang white key ay F
Heto na ngayon ang mga pangalan ng mga piano keys
Tip #3: Gumamit tayo ng Chord Inversion
Ang chord inversion ay ang pagbali-baliktad ng mga keys na bumubuo sa isang chord.
Halimbawa, para mabuo ang C chord, i-pwesto mo daliri mo sa C-E-G keys. Tapos, subukan mong ilipat o pagpalit-palitin ang puwesto ng mga keys, halimbawa: E-G-C or G-C-E. Example:
Chords
|
Root Position
|
Inversion 1
|
Inversion 2
|
C
|
C-E-G
|
E-G-C
|
G-C-E
|
D
|
D-F#-A
|
F#-A-D
|
A-D-F#
|
E
|
E-G#-B
|
G#-B-E
|
B-E-G#
|
F
|
F-A-C
|
A-C-F
|
C-F-A
|
G
|
G-B-D
|
B-D-G
|
D-G-B
|
A
|
A-C#-E
|
C#-E-A
|
E-A-C#
|
B
|
B-D#-F#
|
D#-F#-B
|
F#-B-D#
|
Tip #4: Paggamit ng left hand: Broken Chords
Subukan n'yong mag "broken chords". Ang isang chord ay mayroong tatlong piano keys (like, C chord: C-E-G), instead na sabay-sabay nating pinipindot ang tatlong piano keys ng isang chord, putul-putulin natin ito. I-example natin ang C chord, mauna nating pindutin ang C, tapos isunod nating pindutin ang E, at huli nating pindutin ang G. Tulad nito:
C-E-G-C-E-G-C-E-G-C-E-G-C-E-G-C-E-G = broken C chord
Heto lang muna ang mga tips ko para sa inyo.
Sa mga nais mag-share ng iba pang tips and styles, i-send n'yo lang sa pauldemonteverde@gmail.com with your details. Heto ang format ng message:
Subject: Tips and Styles
Name: __________________________________________
Email: (optional) ______________________________
Location: (optional) ___________________________
Message:________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
|